Bahagyang bumagal ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin o inflation rate sa 4.6% nitong Oktubre sa bansa.
Ayon kay Philippine Statistics Authority National Statistician Dennis Mapa, naitala ang pagbagal ng inflation rate nitong Oktubre kumpara sa 4.8% noong Setyembre.
Ang nasabing inflation rate ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay pasok sa kanilang target na 4.5% hanggang 5.3% saklaw para sa buwan ng Oktubre.
Una nang sinabi ng BSP na makapagpapataas ng inflation ang sunod-sunod na oil price hike, mataas na Meralco power rates, presyo ng isda at gulay maging ang mahinang palitan ng piso. —sa panulat ni Airiam Sancho