Itinaas pa ng Asian Development Bank (ADB) ang forecast para sa inflation ng Pilipinas ngayong 2022.
Sa gitna ito ng pagtaas ng presyo ng enerhiya at mga bilihin.
Batay sa Outlook 2022 report na inilabas kahapon, inaasahan ng ADB na bibilis sa 5.3% ang inflation ng Pilipinas ngayong 2022, mas mataas kumpara sa 4.9% noong Hulyo at 4.2% noong Abril.
Bahagya namang mababa ang revised inflation forecast ng ADB kumpara sa 5.4% ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at mataas ng 2 hanggang 4% ngayong taon.
Samantala, inaasahan ng ADB na magiging malaki ang epekto ng mga nagdaang bagyo at shortage sa suplay ng agrikultura, sa pagtaas ng presyo ng bilihin.