Pinag-aaralan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang pagpapatupad ng monetary policy adjustment sa bansa.
Ito’y kasunod na rin ng pagtaas ng inflation rate kung saan, pumalo ito sa 4.5 percent nitong Pebrero batay na rin sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., bagama’t ito na ang pinakamabilis na paggalaw ng inflation rate sa loob ng tatlong taon, kumpiyansa siyang hindi ito magtatagal.
Giit ni Espenilla, kailangan pa ring magsagawa sila ng pag-aaral kung dapat magkaroon na ng pagpapalit sa polisiya sa pananalapi kahit pa nalampasan na nila ang target range ng gobyerno na dalawa hanggang apat na porsyentong inflation rate.
—-