Posibleng makahinga na ang mga Pilipino mula sa mataas na presyo ng mga bilihin ang serbisyo dahil sa inaasahang pagbagal ng inflation rate ngayong buwan.
Iyan ang inihayag ni NEDA o National Economic and Development Authority Secretary Ernesto Pernia makaraaang maabot na ng Pilipinas ang climax o ang rurok ng inflation rate noong isang buwan na nasa 4.6 percent.
Dahil dito, sinabi ni Pernia na posible nang maabot ng Pilipinas ang target ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na 2 hanggang 4 percent para sa taong ito.
Batay sa datos ng NEDA, Department of Finance at Budget Department, ang pagmahal ng presyo ng langis sa world market ang pangunahing dahilan kaya’t tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Pilipinas.
—-