Posibleng bumilis sa 7.1 hanggang 7.9 % ang inflation rate sa bansa ngayong Oktubre.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), maaaring malampasan ng pagtataya ang 13 taong pinakamataas ngayong buwan dahil sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin.
Dahil dito, posibleng malampasan ng tala ang 6.9 % na naitala noong Setyembre na 2 hanggang 4 % na target para sa 17 sunod na buwan.
Sa huling datos, pumalo na sa P 57 ang palitan ng piso kontra dolyar na dahilan ng pagbilis ng presyo ng bilihin.