Patuloy ang pagbagal ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak pa sa 1.7% ang inflation rate nitong Agosto.
Lubhang mababa ito sa 2.4% na naitala noong Hulyo ngayong taon.
BREAKING: Inflation para sa buwan ng Agosto, bumagsak sa 1.7% — @PSAgovph https://t.co/y0chdqXGYv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 5, 2019
Samantala, ayon sa PSA, ito na ang pinakamababang inflation rate na naitala sa nakalipas na halos tatlong taon o mula noong Oktubre 2016 kung saan 1.8% ang inflation.