Bumagal pa ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa nitong Hulyo.
The country’s headline inflation further eased to 2.4 percent in July 2019. This was the lowest inflation recorded since January 2017, and it was the same rate observed in July 2017. #PHCPI #Inflation
— @PSAgovph (@PSAgovph) August 6, 2019
Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo lamang sa 2.4% ang inflation rate nitong Hulyo, mas mababa sa 2.7% na naitala noong Hunyo.
Samantala, ito naman ang pinakamababang inflation rate na naitala ng PSA mula noong buwan ng Enero, taong 2017.