Bahagyang bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Mayo.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 3.2% ang inflation rate nitong Mayo, mas mabilis kumpara sa 3% noong Abril.
Gayunman, ayon kay national statistician Claire Dennis Mapa, mas mabagal pa rin naman ito kumpara sa 4.6% na naitala nila noong Mayo ng 2018.
Ito ang kauna unahang pagkakataon na tumaas ang inflation rate mula nang magsimula itong bumagal noong Oktubre ng nakaraang ng taon.
Pangunahing naging dahilan ng pagbilis ng inflation ang pagkain at nonalcoholic beverages gayundin ang housing, tubig, kuryente at petrolyo.