Bumaba sa 3.6% ang inflation rate o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2021.
Batay sa Philippine Statistics Authority, nasa 4.2% ang inflation rate noong Nobyembre 2021 at 3.5% noong Disyembre 2020.
Kabilang sa nagdulot ng mabababng inflation ay ang mga alcoholic beverages, footwear, damit, kagamitan sa bahay, kalusugan, transportasyon, mga restaurant at iba pang mga produkto.
Dahil dito, umabot sa average na 4.5% ang inflation rate noong 2021 mula sa 2.6% noong 2020 na mas mataas sa target range ng gobyerno na 2% hanggang 4%. —sa panulat ni Airiam Sancho