Sumipa sa mahigit 6% ang inflation o bilis nang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ang naitalang 6.1% inflation, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay pinakamataaas sa nakalipas na apat na taon kasunod na rin nang patuloy na pag akyat ng presyo hindi lamang ng pagkain kundi maging ng langis.
Ipinabatid ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang June inflation ay pasok sa target na 5.7% hanggang 6.5% forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Una nang tinaya ng economic managers ng gobyerno sa 2% hanggang 4% ang June inflation na mas mataas sa 5.4% inflation noong Mayo at 4.9% noong Abril.