Bahagyang bumaba sa 2.5% ang inflation sa Pilipinas nitong Marso.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bahagyang bumagal ito mula sa naitalang 2.6% noong pebrero at 3. 3% noong Marso ng nakaraang taon.
Tinukoy ng PSA ang transportasyon, presyo ng mga nakalalasing na inumin, tobacco products, housing, singil sa tubig at kuryente, gas at iba pang produktong petrolyo bilang dahilan ng pahagyang pagbagal sa inflation rate.
Gayunman, nagkaroo naman ng pagtaas sa presyo ng mga non-alcoholic beverages at produktong pagkain tulad ng isda, prutas at gulay, komunikasyon at kagamitan sa bahay.
Naitala rin ang pagbagal sa 1.7% ng inflation rate sa National Capital Region (NCR) nitong Marso mula sa 2.0% noong Pebrero.