Bumilis pa ang inflation rate para sa buwan ng Hulyo.
Ito ay matapos rumehistro ang 5.7 percent na inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang 5.2 percent na inflation rate noong Hunyo.
Sinasabing ito na ang ika-pitong sunod na buwan na bumilis ang inflation at pinakamataas sa loob ng limang taon.
Matatandaang noong nakaraang buwan, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magpasa ng batas na para mabuwisan ang mga inaangkat na bigas na paraan upang ibsan ang nararanasang inflation.
—-