Posible pang tumaas ang inflation rate ng bansa kung patuloy ang taas-pasahe sa mga pampublikong transportasyon.
Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority director Reynaldo Cancio, sakaling mapaburan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan partikular na sa mga jeep.
Matatandaang nagsagawa ng pagdinig ang LTFRB kasunod ng mga inihaing petisyon ng mga grupo ng transportasyon.
Ayon kay Cancio, posibleng umabot sa .3% hanggang .6% ang maging epekto ng taas-pasahe sa inflation ngayong taon.
Sakali namang payagan ang petisyon ng mga pampublikong sasakyan sa National Capital Region (NCR), Region 3, Region 4A at Region 4B, maaring pumalo sa .5% hanggang .1% ang inflation rate ng bansa ngayong 2022.