Posibleng hindi gumalaw ang inflation rate o bilis sa pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihina at serbisyo ngayong Oktubre.
Batay sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Department of Economic Research, maaaring maitala sa pagitan ng 1.9% hanggang 2.7% ang inflation ngayong buwan.
Gayunman sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, mas malaki ang posibilidad na manatili lamang sa 2.3% ang inflation rate ngayong Oktubre na katulad ng naitala noong Setyembre.
Ayon kay Diokno, ilan sa makaaapekto sa infltion ngayong buwan ang pagtaas sa singil sa kuryente ng Meralco, tumaas na presyo ng LPG at kerosene at epekto ng pananalasa ng bagyo sa mga prduktong pagkain.
Nakatakdang ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang inflation ngayong Oktubre sa susunod na Linggo, Nobyembre a-5.