Posibleng bumilis ng 2% hanggang 2.8% ang inflation o paggalaw sa presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa Pilipinas ngayong Marso.
Batay ito sa ipinalabas na pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon kay BSP – Department of Economic Research Governor Benjamin Diokno, bahagyang mababa ito sa naitalang 2.6% inflation rate noong Pebrero.
Mas mababa rin aniya ito sa target range ng pamahalaan na 3.0 %.
Sinabi ni Diokno, ang bahagyang pagbagal sa inflation rate ay bunsod ng malakihang bawas presyo sa mga produktyong petrolyo gayundin sa pag-iral ng price freeze.
Inaasahang ipalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang opisyal na datos ng inflation sa Abril 7.