Posibleng tumaas pa ang inflation rate hanggang sa mga huling buwan ng 2018.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor Nestor Espenilla, inaasahang papalo hanggang 5.8 percent ang inflation rate para sa buwan ng Hulyo kasunod na rin ng mas mataas na presyo ng kuryente, tubig, LPG, transportasyon at bigas sa naturang buwan.
Babalik aniya sa forecast na 2 hanggang 4 percent ang inflation rate pagsapit ng 2019.
Samantala, ipinagmalaki naman ng Department of Finance na tumaas ng 13.6 porsyento ang naging kita ng gobyerno sa first quarter ng taon dahil sa TRAIN Law.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, 33.7 billion pesos ang naging dagdag na kita dahil sa ipinatupad na reporma sa buwis.
Dahil dito, umangat ang nakokolektang buwis ng pamahalaan ng 17 percent na mas mataas sa target ng gobyerno.
—-