Bumagal ang antas nang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mga serbisyo nitong Nobyembre.
Sinabi ng National Statistician na si Dennis Mapa, na bumagal sa 4.2% ang inflation rate sa bansa, mas mababa sa 4.6% na naitala noong Oktubre base sa datos ng PSA.
Sa kabuuan, nasa 4.5% na ang average inflation rate sa naunang 11 months ng taon.
Samantala, ayon sa PSA, ang pagbagal ng antas ng inflation ay epekto ng pagbagal nang paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages ng pangkalahatang inflation sa bansa.—mula sa panulat ni Joana Luna