Bumilis pa sa 8.1% ang inflation rate para sa buwan ng Disyembre noong nakaraang taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito kumpara sa 8% headline inflation na naitala noong Nobyembre nakaraang taon.
Pangunahing dahilan ng pagtaas ng antas ng inflation ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages na nasa 10.2%.
Sinabi naman ng PSA na ang mataas na presyo ng sibuyas, manok, at asukal ang pangunahing nag-ambag sa overall inflation noong Disyembre.