Pumalo na sa 6.4% ang naitalang inflation rate sa bansa nitong nakaraang buwan.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito kumpara sa 6.1% na naitala noong Hunyo.
Ito rin ang pinakamataas na antas ng inflation rate na naiulat sa bansa sa loob ng halos tatlong taon.
Ayon kay PSA chief at national statistician Claire Dennis Mapa, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation rate ay ang patuloy na paggalaw ng mga presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages.
Magugunitang, umabot na sa 4.7% ang average inflation rate sa bansa mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.