Naitala ang 4.1 % na inflation rate para sa buwan ng Hunyo ayon sa Philippine Statistics Authority.
Ito ay mas mababa kumpara sa 4. 5 % inflation na naitala noong Mayo.
Batay sa datos ng PSA, ang pagbaba ng inflation nitong Hunyo ay dahil sa mabagal na pagtaas o paggalaw sa singgil sa transportasyon.
Makikita rin sa datos na kasama sa nakaapekto sa inflation kung bakit ito nananatili sa mahgit na apat na porsyento ay dahil sa presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages na naitala sa 4.7 %.
Kabilang sa natukoy ay ang presyo ng karne tulad ng baboy na may kataasan pa rin ang halaga gayundin ang isda partikular na ang galunggong.
Ang inflation rate ay ang antas ng pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa.