Inihayag ni House Ways and Means Committee Chairperson Joey Salceda na posibleng tumaas ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa sa 8.1% sakaling magpatuloy pa ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Salceda, maaari pang lumampas sa 5.4% ang inflation rate batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Nabatid na ang naturang rate ay mas mataas sa 4.9% na naitala noong april at 4.1% sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sinabi naman ni Salceda na upang matugunan ang nakaambang problemang ito, dapat na pagsikapan ng pamahalaan ang pangangalaga sa mahihirap na Pilipino at pagtiyak sa food security ng bansa.