Bumagal pa sa 3% ang inflation rate o antas ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa buwan ng enero 2022 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay mas mabagal kaysa sa 3.6% na naitala noong Disyembre 2021.
Ayon kay national statistician Claire Dennis Mapa, ang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation noong nakaraang Enero ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng pabahay, tubig, kuryente, gas at ibang petrolyo na may 4.5% inflation at 77.1% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Nananatili naman sa 1.6% ang food inflation sa national level.
Samantala, simula sa buwan ng enero 2022, gagamitin ng PSA sa pag-uulat ng inflation rate ang rebased Consumer Price Index (CPI) ng taong 2018.—sa panulat ni Airiam Sancho