Bumaba ang inflation rate sa bansa nitong Setyembre ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority.
Sinabi ni PSA Chief Dennis Mapa na bumagal ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa 4.8% nitong nakaraang buwan.
Ito ay mas mabagal sa naitalang 4.9% na inflation noong Agosto.
Ani Mapa, pasok ito sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 4.8 hanggang 5.6 percent range. —sa panulat ni Jennelyn Valencia-Burgos