Bumilis pa ang inflation sa buwan ng Marso kasabay ang pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) sumirit pa sa 4% ang inflation rate kumpara sa mga naitala na 3% nuong Enero at Pebrero.
Ipinabatid ng PSA na pasok sa target inflation na 2% hanggang 4% ang naitalang consumer price index para sa nakalipas na buwan.
Binigyang diin ni BSP Governor Benjamin Diokno na posibleng umakyat pa ang inflation sa buong taon dahil sa feopolitical tensions.
Magugunitang patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produkto partikular ng oil products dahil na rin sa paglusob ng Russia sa Ukraine na una na ring ibinabala ng Bangko Sentral ng Pilipinas.