Bahagyang bumaba ang Inflation Rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Ilocos Region sa 6.3 % noong July mula sa 6 point 5% noong June.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), halos dumoble ang inflation mula sa 3.9% sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Ilan sa mga dahilan na nag-ambag sa inflation sa nasabing rehiyon ang transportasyon na nasa 20% housing, tubig, kuryente, gas at produktong petrolyo na nasa 7.1% at food at non-alcoholic beverages na may 6.2%.
Nabatid na ang lalawigan ng Ilocos Norte ang nakapagtala ng pinamataas na inflation rate sa 8.3% noong July, sinundan ito ng Ilocos Sur na may 7.6% at pangasinan na may 6.0%.