Mas bumagal ang inflation rate o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Marso.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, sumadsad sa 1.8% ang inflation noong nakaraang buwan, na mas mababa sa 2.1% na naitala noong Pebrero.
Paliwanag ni PSA National Statistician at Undersecretary Dennis Mapa, isa sa tinitignang dahilan ng pagbagal ng inflation ay ang paggalaw ng presyo ng food at non-alcoholic beverages kabilang ang bigas at karneng baboy.
Samantala, bumagal din ang antas ng inflation sa National Capital Region sa 2.1% nitong marso mula sa 2.3% noong Pebrero.