Posibleng bumilis sa 6.6 hanggang 7.4 % ang inflation rate sa Pilipinas ngayong Setyembre.
Sinabi ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos bumilis ang pagtaas ng bilihin noong Agosto na nasa 6.3 % na.
Ayon sa BSP, malaki ang naging epekto sa pabago-bagong presyo ng bilihin ng pagtaas ng singil sa kuryente at presyo ng mga produkto.
Idinagdag naman ng BSP na ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin ngayong buwan ay posibleng mabawi sa bahagyang pagbaba ng presyo ng gasolina at karne.