Posibleng maglaro na sa 3.5% hanggang 4.5 % ang inflation rate sa Pilipinas ngayong taon.
Dahil ito sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagbunsod ng malawakang taas-presyo sa langis.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni professor Astro Del Castillo, isang financial analyst na inaasahan na nila ang malalang epekto ng oil price hike sa presyo ng bilihin.
Pinayuhan naman ni Del Castillo ang publiko na magtipid, iwasan ang pag-invest sa hindi kailangang bagay at maging wais sa paggastos.–-sa panulat ni Abby Malanday