Posibleng sumampa muli sa mahigit 6% ang inflation rate ng Pilipinas nitong Hulyo.
Ayon kina DBS Chief Economist Taimur Baig at Senior Economist Radhika Rao, malaki ang epekto sa inflation ng bansa ng taas-pasahe sa jeepney at mataas na presyo ng bilihin.
Noong Hunyo, naitala rin ang lagpas sa 6% na inflation rate.
Mas mataas ito ng 2% hanggang 4% sa itinakdang target ng Bangko Sentral ng Pilipinas.