Posibleng manatili sa mahigit 6% ang inflation rate sa Pilipinas sa ikalawang bahagi ng taong 2022.
Ayon sa First Metro Investment Corporaton at University of Asia and the Pacific, inaasahan nilang magiging matatag pa rin ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng pagbagal ng sigla nito sa buong mundo.
Noong Hulyo, naitala sa 6.4% ang inflation sa bansa na pinakamataas sa halos apat na taon.
Pumalo naman sa 4.7% ang inflation noong ikalawang kwarter ng 2022, mas mataas sa pagtaya ng Central Bank na 2% hanggang 4%.