Posibleng umakyat pa sa 5.7% ang inflation rate sa Pilipinas sa Hunyo.
Ayon kay Ruben Carlo Asuncion, Chief Economist ng Union Bank of the Philippines, dahilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mataas ng presyo ng pagkain.
Malayo ang pagtataya ni Asuncion sa 2% hanggang 4% na nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Noong Abril, nasa 4.9% na ang Inflation rate sa Pilipinas na pinakamataas sa nakalipas na tatlong taon.