Sumipa sa apat na porsyento (4%) ang ‘inflation rate’ o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa unang buwan ng taong 2018.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa naitalang inflation rate noong Disyembre ng nakaraang taon na nasa 3.3% lamang.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang naturang paggalaw ay bunsod ng epekto ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na sinimulang ipinatupad noong nakaraang buwan.
Giit ng ilang economic managers, maituturing pa rin itong nasa normal na level.
Bago pa ipatupad ang batas, inaasahan na din anila ang 2% hanggang 4% pagtaas sa presyo ng mga produkto sa unang buwan ng pagpapatupad ng naturang batas.