Pumalo sa 3.5 hanggang 4 percent ang naging pagtaas ng inflation rate nitong buwan ng Enero.
Paliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, ang pagbilis ng inflation ay bunsod ng pag-arangkada ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Binigyang diin ng BSP na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at presyo ng mga pagkain ay nakakaapekto sa pagbilis ng inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo.
Dahil dito, ibinabala ng BSP na asahan pa ang mas mabilis na inflation sa hinaharap dahil sa inaasahang epekto ng TRAIN.
—-