Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimulang bumagal ang inflation sa Enero.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, magiging normal na ang inflation level pagsapit ng Hulyo o Agosto.
Mas magiging mababa aniya ang inflation rate sa Enero kumpara ngayong Disyembre at magpapatuloy hanggang Pebrero.
Una nang tinaya ng BSP sa 5.8% ang average inflation ngayong taon o hindi nagbago kumpara sa ginawang projection noong Nobyembre. —sa panulat ni Jenn Patrolla