Nananatiling stable ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa.
Ito ay makaraang maitala sa 3.4 percent ang inflation para sa Abril.
Mas mababa ito sa inaasahang 3.5 percent na inlation forecast ng mga ekonomista dahil sa nagbabadyang pagtataas ng interest rates ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
Matatandaang 3.4 percent din ang naitalang inflation noong Marso.
By Ralph Obina
Inflation sa bansa nananatiling stable was last modified: May 5th, 2017 by DWIZ 882