Top urgent national concern pa rin para sa karamihan ng mga Pilipino ang pagkontrol sa inflation o mabilis na pagtaas ng mga bilihin at serbisyo matapos nitong makakuha ng 66% sa third quarter tugon ng masa survey ng OCTA Research.
Batay sa survey, suliranin din ng bansa ang pagkakaroon ng access sa abot-kayang presyo ng pagkain, na nakakuha ng 39%; sinundan naman ito ng kakulangan sa trabaho na may 33%; at pagbawas sa kahirapan na 25%.
Samantala, top personal concern naman ng mga Pinoy ang kalusugan, na sinang-ayunan ng 73% ng mga Pinoy; habang kapwa 46% naman ang makatapos ng pag-aaral, at magkaroon ng maayos na source of income.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face to face interview sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas nitong Agosto 28 hanggang Septiyembre 2. – sa panulat ni Laica Cuevas