Umakyat sa 4.5 percent ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong buwan ng Abril.
Mas mataas ito kumpara sa 4.3 percent na naitalang inflation noong Marso.
Ito ang inanunsyo ni Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia sa sidelines ng Asian Development Bank Meeting.
Sinasabing ito na ang ikalawang sunod na pagkakataon na nalagpasan ng naitalang inflation ang target ng gobyerno.
Matatandaang inihayag noon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 2 hanggang 4 percent lamang ang target nilang inflation para sa taong ito.
—-