Pinalilimitahan ng Commission on Audit o COA sa GSIS o Government Service Insurance System ang infomercials ng ahensya sa People’s Television Network.
Sa 2017 audit report, pinuna ng COA na hindi nakatulong sa mga miyembro at wala sa mandato ng GSIS ang mahigit sa 50 milyong exchange deal sa PTV-4.
Ayon sa COA, sapat na ang GSIS members hour na umeere sa PTV-4 dahil may pakinabang dito ang mga miyembro.
Hindi na anila kinakailangan pa ang mga infomercials kung saan binabanggit lamang bilang sponsor ng palabas ang GSIS.
Ang mahigit sa limampung (50) milyong pisong exchange deal ng GSIS at PTV-4 ay kumakatawan sa mga hindi nabayarang premiums at loan amortizations ng mga empleyado ng PTV.
—-