Paglalaanan ng Department of Transportation (DOTR) ng rental subsidy ang Informal Settler Families (ISF) na maaapektuhan ng North-South Commuter Railway Project.
Ito ang tiniyak ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez sa mga kongresista kasunod ng napipintong pagsisimula ng konstruksyon ng proyekto sa 2023.
Marami na rin aniya ang na-relocate na ISF sa iba’t-ibang lugar.
Sabi ni Chavez, ang rental subsidy na tatagal ng 18 buwan ay ibibigay sa pamamagitan ng atm na naglalaman ng 5,000 hanggang 10,000 pesos.
Paliwanag ni Chavez, kwalipikado rito ang mga ISF na naghihintay pa na mailipat sa relocation sites.
Para naman sa mga hindi ISF na ang mga bahay at lupa ay maaapektuhan ng proyekto.
Dagdag pa ni Chavez na dapat bayaran ang halaga ng mga ari-arian na maaapektuhan o magigiba.