Nagpapatuloy ang campus tour ng Department of Foreign Affairs o DFA sa iba’t ibang panig ng bansa para sa information campaign kaugnay ng territorial dispute.
Ayon kay Foreign Assistant-Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng ahensya ngayong araw ay magtutungo sila sa Aemilianum College Incorporated sa Sorsogon City.
Layunin anya ng information campaign na ipaunawa sa publiko na ang agawan sa teritoryo ay hindi lamang prayoridad ng pamahalaan kundi ng lahat ng Pilipino.
Inaasahang sesentro ang lecture ni Jose sa mga panuntunan o basehan ng gobyerno sa pag-angkin sa nasabing teritoryo gayundin ang hakbang nito para maprotektahan ang interes ng buong bansa.
By Drew Nacino | Allan Francisco