Naniniwala ang Department of Health na naging epektibo ang kanilang information campaign upang bumaba ang bilang ng mga naputukan sa pagsalubong ng 2016 kumpara noong nakaraang taon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Lyndon Lee suy, Tagapagsalita ng DOH na malaki ang naitulong ng gobyerno at ng midya sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa epekto ng paputok.
Sa kabila nito, kinontra rin ni Lee Suy ang espekulasyon ng ilan na bumaba umano ang bilang ng mga naputukan dahil sa pag-ulan nang salubungin ang bagong taon.
“Maraming nagsasabi, dito ko nga alam kung bakit ganoon ang kaisipan, kasi umulan daw kaya bumaba. Hindi naman dapat siguro nega palagi ang mga tao sa mga effort na ginagawa ng government.”
Kaugnay nito, umaasa rin si Lee suy na darating ang panahon ay magiging zero casualty ang pagsalubong sa bagong taon sa tulong ng political will.
“Yun ang pinapangarap natin talaga. Hindi natin alam kung bukas makalawa, anak natin yang maputukan. You wouldn’t want that to happen. It takes a lot of effort na ma-implelement ang ganitong klase ng pananaw.” Paliwanag ni Lee Suy.
By: Allan Francisco