Nanawagan ang isang mambabatas sa pamunuan ng PCOO na pabilisin ang ginagawang nitong information campaign para sa COVID-19.
Ito’y ayon kay ang Probisyano Representative Ronnie Ong kasunod ng anunsyon ng Health Department na nakapasok na ng bansa ang Indian variant ng virus.
Giit ni Ong, na dapat palakasin ng PCOO ang pagbibigay nito ng impormasyon patungkol sa virus dahil nag-mutate na ito at pinaniniwalaang mas nakahahawa.
Kung kaya’t ani Ong, nararapat na itodo ng ahensya ang kanilang trabaho lalo na ang pagkakaroon ng inbformation collaterals, boosted social media optics, infomercial sa telebisyon at radyo para malaman ng publiko ang hatid na panganib ng variant na ito.