Pagpapaigting sa information drive hinggil sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ito ang panawagan ni Sen. Panfilo Lacson sa Department of Health (DOH) hinggil sa pagdating ng mga suplay ng bakuna sa bansa.
Ayon kay Lacson, masasayang ang mga bakuna kontra COVID-19 kapag dumating na ang mga suplay sa Pilipinas at kakaunti lamang ang nais magpabakuna.
Bagama’t nagsusumikap ag pamahalaan para makarating sa tamang oras ang mga bakuna , sinabi ni Lacson na maaaring ma-expire lamang ito kung maraming mga Pilipino ang ayaw magpabakuna kontra COVID-19.
Bukod dito, giit ni Lacson, na ituon ng pamahalaan ang atensiyon sa prevention at paggamot sa lahat ng tinamaan ng virus. — sa panulat ni Rashid Locsin.