Inamin ng COMELEC na malaking hamon sa kanila ang information drive kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay COMELEC Barangay Affairs Director Teofisto Elnas, Jr. magsasagawa sila ng simulation sa April 21 sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Maynila.
Layon nitong makita ang kahandaan ng board of election tellers at mismong mga botante.
May mga botante aniya silang bibigyan ng balota para sa Barangay at SK elections samantalang tig iisa lamang ang iba pa.
Sinabi pa ni Elnas na ang sakop ng two ballot polls ay ang mga may edad 18 hanggang 30.