Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisimula ng information drive sa panukalang federal constitution.
Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa huling sesyon ng Consultative Committee o Con-com na bumalangkas sa federal charter.
Pinalutang ni Pangulong Duterte ang ideya matapos niyang pulungin sina Medialdea, dating Chief Justice at Con-com Chairman Reynato Puno, dating Senate President at Con-com member Aquilino “Nene” Pimentel Jr.
Gayunman, wala pang impormasyon kung kailan ilulunsad ng Con-com ang information campaign.
Kabilang ang pagtatatag ng pederalismo kapalit ng kasalukuyang sistema ng gobyerno sa mga ipinangako ni Duterte noong 2016 presidential campaign.
—-