Target ng Department of Health (DOH) na paigtingin ang information drive tungkol sa bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malaki rin ang naging epekto sa pag-iisip ng publiko tungkol sa pagbabakuna ang kontrobersiyal na dengvaxia.
Marami aniya ang nawala ang kumpiyansa sa bakuna dahil dito.
Ngunit dahil sa pagsisikap aniya ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbuo ng task force at pakikipag-usap sa mga komunidad ay unti-unti nang naibabalik ang tiwala ng publiko sa mga bakuna.
Handa umano ang DOH na maglabas pa ng maraming kapaki-pakinabang na impormasyon ukol sa bakuna kontra COVID-19 para sa kaalaman ng nakararami.
Sinasabing posibleng magkaroon na ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas sa susunod na taon.