Tiniyak ng Malacañang na hindi na maibabasura ng susunod na administrasyon ang mga nakalatag na proyektong pang-imprastraktura na iiwanan ng pamahalaang Aquino.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, umiiral na ang kontrata sa mga proyekto tulad ng Skyway 3 at NAIA Expressway kaya’t hindi ito apektado ng transition period.
Binigyang diin pa ni Coloma, hindi ito tulad ng mga proyektong minana ng administrasyong Aquino na puro kuwestyunable at balot ng anomalya kaya’t natigil o naibasura.
Pagtitiyak pa ni Coloma, dumaan sa tamang pagbusisi ang mga kontrata sa ilalim ng mabuting pamamahala.
Maayos aniyang iiwan ng Pangulong Aquino ang malalaking infra projects dahil sa malalaki, respetado at mataas ang reputasyon sa industriya ng mga kumpaniyang naka-kontrata rito.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)