Muling bubusisiin ng National Economic Development Authority o NEDA ang ilang infrastructure projects sa Mindanao sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law o BOL.
Ayon kay Socio-Economic Secretary Ernesto Pernia, ito ay bilang pagtitiyak na walang magiging problema sa oras na maging isa nang ganap na batas ang BOL.
Mayroong isanglibo tatlong daan at apatnapung (1,340) proyekto ang gobyerno sa ARMM kung saan ito ay katumbas ng 17.51 porsyento ng mahigit 4,000 infra projects para sa buong bansa.
—-