Nagpapatuloy pa ang konstruksyon ng infrastructure projects sa Leyte.
Ipinabatid sa DWIZ ni Leyte Representative Martin Romualdez na pangunahing tinututukan ang pagtatayo ng permanent housing and shelters.
Idinagdag pa ng mambabatas na tinututukan din nila ang livelihood o kabuhayan ng mga biktima ng kalamidad.
“Kung magfu-full blast dito sa mga infrastructure projects, malaking problema sa livelihood ang maso-solve, dati po ay maraming na-employ doon, magtatrabaho sa mga construction, local hardwares, at mga negosyo, mga negosyante ang makikinabang diyan kung ang sinasabing massive infrastracture or sinasabing government spending.” Pahayag ni Romualdez.
By Meann Tanbio | Karambola