Sumampa na sa P738.6-M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura dulot ng pagbaha at landslides sa Mindanao.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nagtamo ng P473 – M na danyos sa imprastraktura ang caraga habang mahigit P26 – M naman ang napinsala sa Davao Region.
Kaugnay nito, nasa 1,344 kabahayan ang naitalang nawasak sa Northern Mindanao, Davao Region at Caraga mula January 28 – February 3.
Samantala, sumampa na sa mahigit 1.3 – M indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa sa 818 barangays sa Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Region.